Unang pasok ko sa "GAMMA KAPPA PHI",
Takot at kaba ang nararamdaman ko,
Sapagkat di malalaman kung ano kapalaran ko,
Ngunit tiwala at pananalig sa diyos ang siyang puhunan ko.
Sa bawat hampas ng pamalo, tiniis ang hirap at sakit,
Madilim man ang paligid ngunit liwanag ang nasa isip,
Iyakan at sigawan ng mga kasabayan ay hindi ko alintana,
Sa bawat utos ng master ay sinusunod ko,
Sapagkat sa kanilay buong tiwala binigay ko.
Pagsapit ng liwanag ako ay lumigaya,
Luha at ngiti ang siyang naramdaman ko,
niyakap ang kasabayan pati ang bagong kapatid,
walang halong pagsisisi, GAMMA KAPPA PHI ay pinasok ko.
Sa GAMMA KAPPA PHI, Kapatid ang turingan,
52 man o 62 ito ay iisa lamang,
GAMMA KAPPA PHI, aalagaan at iingatan,
at mamahalin ko hanggang kamatayan.